Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng National Security Council (NSC) ng Amerika, napatay noong ika-18 ng buwang ito sa air raid ng tropang Amerikano si Fadhil Ahmad al-Hayali, pangalawang pinuno ng Islamic State (IS).
Ayon sa NSC, namamahala si Hayali, pangunahin na, sa mga aktibidad ng IS sa Iraq, at paghahatid ng mga sandata, pampasabog, sasakyan, at tauhan sa pagitan ng Iraq at Syria. Malaki rin ang kanyang papel sa pagpapatakbo ng pinansyo at media publicity ng IS. Kaya, ang pagpatay kay Hayali ay isang malaking dagok sa IS.
Salin: Liu Kai