Mula gabi ng ika-22 hanggang umaga ng ika-23 ng buwang ito, maayos na idinaos sa Beijing ang mga pagsasanay ng mga aktibidad upang ipagdiwang ang ika-70 anibersaryo ng Anti-Fascist War sa buong daigdig at Anti-Japanese War ng Tsina.
Ang naturang pagsasanay ay kinabibilangan ng parada ng mga tropang Tsino at dayuhan, technical rehearsal ng pagsasahimpapawid ng mga media, at ibang mga aktibidad.
Lumahok sa paradang militar ang mahigit 100,000 kawal, mahigit 500 kagamitang militar at halos 200 fighter plane.
Pinanood ang naturang pagsasanay ng mahigit 35,000 residenteng lokal.
Upang maiwasan ang epekto ng naturang pagsasanay sa pamumuhay ng mga mamamayan, maagang isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga pagbabago sa operasyon ng transportasyon sa Beijing, maging ang ilang pagbabawal sa mga motorist.