Ayon sa kautusan mula sa Kataas-taasang Lider na si Kim Jong-un ng Hilagang Korea, ilalagay sa state of emergency ang hukbo sa purok-hanggahan sa pagitan ng Hilagang Korea at Timog Korea, simula alas-singko ngayong hapon.
Nitong ilang araw na nakalipas, nananatiling maigting ang kalagayan sa purok-hanggahan ng dalawang panig. Noong ika-4 ng buwang ito, nasugatan ang dalawang sundalo ng Timog Korea sa naganap na pagsabog sa non-military zone sa pagitan ng dalawang panig, kung saan malapit sa Timog Korea. Pinagdududahan ng T.Korea ang pagbabaon ng Hilagang Korea ng mga mina doon. Pero, itinanggi naman ng Hilagang Korea ang naturang pagbatikos. Pagkatapos, pinaputukan kahapon ng H.Korea ang isang loudspeaker na itinayo ng T.Korea sa purok-hanggahan, sa gawing kanluran ng dalawang bansa. Bilang ganting salakay, kinanyon ng T.Korea ang H.Korea.