Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang lubos na pagkabahala sa lumalalang tensyon sa Korean Peninsula.
Nanawagan din si Ban sa kapwa Hilaga at Timog Korea na iwasan ang anumang aksyong magpapalala pa ng tensyon, at isagawa ang diyalogo, para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong higpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang kalagayan sa Korean Peninsula, at tinututulan ang anumang aksyong magdudulot ng tensyon.
Nauna rito, hiniling ng Hilagang Korea sa UN Security Council na idaos ang pangkagipitang pulong para talakayin ang panganganyon ng Timog Korea sa H.Korea, psychological warfare laban sa H.Korea, at magkasanib na pagsasanay militar ng T.Korea at Amerika. Pero, wala pang reaksyon ang UNSC hinggil dito.
Ayon naman sa pinakahuling ulat, isiniwalat ngayong araw ng palasyong pampanguluhan ng T.Korea, na nakatakdang idaos ngayong hapon sa Panmunjom ang diyalogo ng mga mataas na kinatawan ng kapwa Timog at Hilagang Korea.
Salin: Liu Kai