|
||||||||
|
||
Noong ika-18 ng Setyembre, 1931, sinalakay ng mga militaristang Hapones ang dakong hilaga-silangan ng Tsina. Nagpakita ito ng pagsimula ng pandaigdig na digmaang laban sa Pasismo. Noong ika-7 ng Hulyo, 1937, inilunsad ng mga mananalakay na Hapones ang komprehensibong digmaan sa buong Tsina.
Ipinalalagay ni Zhang Xuegang, mananaliksik ng China Institutes of Contemporary International Relations (CICIR), na di-maihihiwalay na bahagi ang pakikibaka ng Tsina laban sa pananalakay na Hapones sa pagtanggol ng mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII. Idinagdag pa niyang ang pananangan ng mga mamamayang Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga militaristang Hapones at ang tagumpay sa digmaan ay nagpabilis at nakatiyak sa tagumpay ng digmaan sa mga battlefields sa Timog-silangang Asya at Asya-Pasipiko.
Noong Marso, 1942, sinakop ng hukbong Hapones ang Yangon, Myanmar. Upang suportahan ang mga kaalyadong bansa na kinabibilangan ng Britanya at Amerika, sa kabila ng kahirapan sa pakikibaka laban sa hukbong Hapones sa loob ng bansa, nagpadala pa rin ang Tsina ng 100,000 sundalo sa Myanmar para bigyang-dagok ang mga militaristang Hapones doon.
Noong Disyembre, 1941, inilunsad ng hukbong Hapones ang pag-atake sa Pearl Harbor, Hawaii, at wala pang kalahating taon, sinakop nito ang Timog-silangang Asya. Bilang tugon, ang mga mamamayan ng Timog-silangang Asya na gaya ng Myanmar, Biyetnam, Pilipinas, at Indonesia ay magkakasamang naglunsad ng ganting-atake. Ginampanan din nila ang mahalagang papel sa pagtatapos ng WWII.
Noong ika-15 ng Agosto, 1945, ipinatalastas ng Hapon ang walang kondisyong pagsuko, at noong ika-2 ng Setyembre ng taong iyon, lumagda ito sa dokumento ng pagsuko. Ipinakita nitong sa magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng Tsina, Timog-silangang Asya at iba pang mga bansa, natapos ang WWII.
Papel ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII: bahagi 1, serye ng espesyal na ulat ng CRI
Ngayong taon ay ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII). Upang lagumin ang aral at pagdurusa na dulot ng digmaan sa sangkatauhan at pahalagahan ang kapayapaan, ilalabas ng China Radio International (CRI) ang serye ng ulat. Sa unang episode, itinatampok ang papel ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII.
Noong ika-18 ng Setyembre, 1931, sinalakay ng mga militaristang Hapones ang dakong hilaga-silangan ng Tsina. Nagpakita ito ng pagsimula ng pandaigdig na digmaang laban sa Pasismo. Noong ika-7 ng Hulyo, 1937, inilunsad ng mga mananalakay na Hapones ang komprehensibong digmaan sa buong Tsina.
Ipinalalagay ni Zhang Xuegang, mananaliksik ng China Institutes of Contemporary International Relations (CICIR), na di-maihihiwalay na bahagi ang pakikibaka ng Tsina laban sa pananalakay na Hapones sa pagtanggol ng mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII. Idinagdag pa niyang ang pananangan ng mga mamamayang Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga militaristang Hapones at ang tagumpay sa digmaan ay nagpabilis at nakatiyak sa tagumpay ng digmaan sa mga battlefields sa Timog-silangang Asya at Asya-Pasipiko.
Noong Marso, 1942, sinakop ng hukbong Hapones ang Yangon, Myanmar. Upang suportahan ang mga kaalyadong bansa na kinabibilangan ng Britanya at Amerika, sa kabila ng kahirapan sa pakikibaka laban sa hukbong Hapones sa loob ng bansa, nagpadala pa rin ang Tsina ng 100,000 sundalo sa Myanmar para bigyang-dagok ang mga militaristang Hapones doon.
Noong Disyembre, 1941, inilunsad ng hukbong Hapones ang pag-atake sa Pearl Harbor, Hawaii, at wala pang kalahating taon, sinakop nito ang Timog-silangang Asya. Bilang tugon, ang mga mamamayan ng Timog-silangang Asya na gaya ng Myanmar, Biyetnam, Pilipinas, at Indonesia ay magkakasamang naglunsad ng ganting-atake. Ginampanan din nila ang mahalagang papel sa pagtatapos ng WWII.
Noong ika-15 ng Agosto, 1945, ipinatalastas ng Hapon ang walang kondisyong pagsuko, at noong ika-2 ng Setyembre ng taong iyon, lumagda ito sa dokumento ng pagsuko. Ipinakita nitong sa magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng Tsina, Timog-silangang Asya at iba pang mga bansa, natapos ang WWII.
Tagapagsalin/Editor: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |