Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Tsina, hanggang ngayong araw, tiniyak ng 49 na bansa at 10 organisasyong pandaigdig ang pagpapadala ng mga kinatawan, para dumalo sa V-Day celebration na idaraos ng Tsina sa ika-3 ng susunod na buwan, bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Mananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan.
Kabilang sa naturang mga tauhan ay mga lider ng 30 bansa, mga mataas na kinatawan ng 19 na bansa, at mga namamahalang tauhan ng 10 organisasyong pandaigdig.
Salin: Liu Kai