SINGAPORE—Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII), pinasinayaan ng Singapore ang dokumentaryong pinamagatang Singapore 1942.
Sa pagtataguyod ng World War II History Research Association ng Singapore, mapapanood sa 45-minutong dokumentaryo ang karahasan at kalupitan ng mga mananalakay na Hapones, sa pamamagitan ng mga materyal na pangkasaysayan at panayam sa mga survivor at dalubhasa.
Pagkaraan ng pasinaya ng dokumentaryo, isinapubliko rin ng nasabing asosasyon ang bukas na liham sa Administrasyon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, bilang protesta sa pagsususog ng huli sa Konstitusyong Pamayapa at pagpapatibay sa bagong security bill.
Sa tatlo at kalahating taong pananakop ng Hapon sa Singapore, sapul noong ika-15 ng Pebrero, 1942, 50,000 sibilyan ang tinatayang pinatay.
Salin: Jade