Mula noong 1980s, sinimulan ni Elaine Diehl, isang miniature artist na taga-Colorado ng Estados Unidos (E.U.) ang isang epesyal na trabaho. Ginugol niya ang 13 taon at ginamit ang mga kamay, ginawa niya ang isang maliit na maliit na Astolat Dollhouse Castle. Kamakailan, sa kauna-unahang beses, ito ang idinidispley sa publiko.
Ang inspirasyon ng Astolat ay galing sa tula na "The Lady of Shallot" na sinulat ng Victorian Poet na si Alford Lord Tennyson. Kinuha ni Diehl ang pinakamagaling na karpintero, silversmith, goldsmith at iba pang artista para gumawa ng Astolat na may 29 silid at mahigit 10 libong furniture at decoration.
Napag-alamang, ang Astolat ngayon ay nagkakahalaga ng 8.5 milyong US Dollars at ang lahat ng kita ng pagdidispley nito ay ibibigay sa Autism Speaks, isang malaking organisasyong pandaigdig para sa infantile autism at iba pang charity orginazation ng mga bata.