|
||||||||
|
||
Ginawa kamakailan ng isang kompanya ng Britanya ang isang pagsubok para ikumpara ang pagtingin ng iba't ibang bansa sa kagandahan: iniretoke ng mga graphic designer galing sa 18 bansa ang iisang litrato gamit ang photoshop.
Orihinal na litrato
Ipinahayag ng nasabing kompanya na ang aktibidad na ito ay naglalayong "mas mabuting maunawaan ang nakatagong "di-realistikong" istandard ng iba't ibang bansa sa kagandahan, at malamang kung paanong babaguhin ang ganitong istandard sa buong mundo. Isang medyo mabilog na babaeng modelo sa naturang litrato ang target ng pagreretoke gamit ang photoshop. Narito po ang ilan sa mga resulta ng pagreretoke.
Tsina: pointed chin, maputing balat, malaking mata, at pinakamahalaga'y super-balingkinitan
Pilipinas: mas payat ang katawan, at mas mabilog ang dibdib
Colombia: pinapayat ang katawan, pinaputi ang balat, at may pagbabago rin sa hair style
Ehipto: binago ang kulay at estilo ng buhok, maliit ang baywang, payat ang itaas na bahagi ng katawan, mabilog ang puwit, at payat ang binti
Italya: bronzed skin, tuwid na buhok, at may magandang hubog na katawan
Netherlands: pinapayat nang malaki ang katawan, at may pagbabago rin sa kasuutan ng modelo
Timog Aprika: balingkinitan ang katawan
Britanya: pinapayat ang katawan ng modelo
Ukraine: mas payat mas maputi ang balat, at ginawang mapula ang kulay ng buhok, kasuutan, at sapatos
Estados Unidos: di-mabilog at di-payat ang katawan, puti ang balat, at maliit ang baywang
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |