Ipinahayag kahapon ni Kobkarn Wattanavrangkul, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, na ang pagsabog sa Erawan Shrine sa Bangkok, ay nagdulot ng epekto sa turismo ng bansa sa maikling panahon lamang. Aniya, may kompiyansa ang Pamahalaang Thai na maisasakatuparan ang target ng halos 62.4 bilyong dolyares na kita mula sa turismo sa buong taon.
Sinabi niya na sa kasalukuyan, nakokontrol na ang situwasyon ng Thailand. Dinagdagan aniya ng pamahalaan ang tropang panseguridad sa maraming lugar ng buong bansa, at itinaas ang lebel ng seguridad para maigarantiya ang seguridad ng buhay ng mga mamamayang Thai at dayuhang turista.
Isiniwalat din niya na isasagawa ng kanyang ministri ang isang serye ng promosyon sa ibayong dagat para mapalaganap ang turismo ng bansa.
Salin: Li Feng