Ipinahayag kahapon ni Aung San Suu Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, na kung magiging "malaya at pantay" ang gaganaping pambansang halalan ng bansa sa darating na Nobyembre, magwawagi ang NLD.
Nagpahayag din siya ng pagkabahala sa di-malinaw na elemento sa nasabing halalan.
Ipinahayag naman ni Min Aung Hlaing, Commander-in-chief Senior General ng Myanmar, na ang pangunahing pagkabahala ng panig militar ay kung pantay na isasagawa o hindi ang pambansang halalan, at kung igagalang o hindi ng bawat tao ang resulta. Aniya, umaasa ang hukbong pandepensa na isasagawa ang halalan sa malaya at pantay na kondisyon.
Idaraos ng Myanmar ang pambansang halalan sa ika-8 ng Nobyembre.
Salin: Li Feng