Idinaos kahapon sa National Gallery ng Singapore ang aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World War II (WWII) para ipagdiinan ang mahalagang katuturan ng kapayapaan at katatagan.
Ang National Gallery ng Singapore ay lugar kung saan idinaos ang seremonya ng pagsuko ng hukbong Hapones noong ika-12 ng Setyembre 1945. Ang aktibidad ay itinaguyod ng Pambansang Kagawaran ng Relikya ng Singapore na dinaluhan ng mga nakaligtas at beteranong sundalo ng WWII, at mga kinatawan mula sa mga organisasyong gaya ng Liga ng mga Veterans ng Armed Force ng bansang ito.
Pagkaraang sumiklab ang WWII, sinakop ng tropang Hapones ang Singapore noong ika-15 ng Pebrero 1942. Pagtakapos nito'y naganap ang malawakang massacre na ikinasawi ng ilampung libong mamamayan doon.
Salin: Li Feng