Ayon sa ulat mula sa Japanese media na "The Sankei Shimbun," bilang tugon sa talumpating binigkas ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon hinggil sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II, at talumpating binigkas ng Japanese Emperor sa seremonya ng pagluluksa sa mga namatay sa digmaan, ipinalabas kamakalawa ng Ministring Panlabas ng Singapore ang pahayag.
Bukod sa pagbanggit na dapat may "malinaw na responsibilidad sa digmaan" ang Hapon, ipinahayag din ng pahayag na para sa mga kapitbansa ng Hapon na gaya ng Tsina at Timog Korea, sa pundasyon ng talumpati ni Emperor, talumpati ni Abe, at kaalamang historikal ng dating mga gabinete ng bansang ito, napakahalaga ng pagbibigay ng Hapon ng pagsisikap para sa pagkakaroon ng ibayo pang kompromiso.
Sa kanyang talumpati noong Mayo ng 2015, pinuna minsan ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na naging "ambiguous" o malabo ang pagsisisi at paghingi ng paumanhin na ginawa ng Hapon sa isyu ng comfort women at Nanjing Massacre.
Salin: Li Feng