BEIJING—Magkakasamang lalahok ang mga beterano mula sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kuomintang (KMT) sa V-Day Parade sa ika-3 ng darating na Setyembre, aktibidad bilang paggunita ng ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapon noong World War II (WWII). Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasamang lalahok sa parada ang mga beterano mula sa nasabing dalawang partido.
Ang mga beterano, na sasakay ng mini-bus sa dalawang formation, ay kakatawan sa lakas na laban sa mga mananalakay na Hapones na pinangunahan ng CPC at KMT, 70 taon ang nakaraan.
Siyamnapu (90) ang karaniwang edad ng mga lalahok na beterano at ang pinakamatanda sa kanila ay 102 taong gulang. Ang lahat ng mga lalahok ay naninirahan ngayon sa Chinese mainland.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac