|
||||||||
|
||
Tumagal nang 14 na taon ang Digmaan ng Tsina laban sa Pananalakay na Hapones, mula 1931 hanggang 1945. Ito ang pinakamaaga at pinakamatagal na digmaan noong WWII. Sa 14 taong pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon mula noong 1931 hanggang 1945, mahigit 30 milyong mamamayang Tsino ang nagbuwis ng kanilang buhay.
Itinakda noong 2014 ng punong lehislatura ng Tsina na ang ika-3 ng Setyembre bawat taon ay Araw ng Paggunita sa Tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones.
Mga tampok ng talumpati ni Pangulong Xi
Bago magsimula ang parada, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinatalastas ni Pangulong Xi na babawasan ng kanyang bansa ng 300,000 ang bilang ng mga sundalo. Ipinagdiinan niyang ang nasabing desisyon ay nagpapakita ng resolusyon ng Tsina na gawing salamin ang kasaysayan at buong-tatag na pangalagaan ang kapayapaan.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na laging mananangan ang Tsina sa mapayapang pag-unlad at di-kailanman magsasagawa ng hegemonya o ekspansyon ng teritoryo.
Upang maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, iminungkahi ni Pangulong Xi ang magkakasamang pagtatatag ng pandaigdig na komunidad ng ibinabahaging kinabukasan o global community of shared future.
Mga formation at delegation mula sa Tsina at mga bansang dayuhan
50 formations na kinabibilangan ng 2 veteran teams, 11 foot phalanxes, 27 armament phalanxes, at 10 echelon formations ng eroplano ang lumahok sa naturang parade.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasamang lumahok sa parada ang mga beterano mula sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kuomintang (KMT) na lumaban sa Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapon noong World War II (WWII).
Ang mga beterano, na sakay ng mini-bus ay kinatawan sa lakas na laban sa mga mananalakay na Hapones na pinangunahan ng CPC at KMT, 70 taon ang nakaraan.
Siyamnapu (90) ang karaniwang edad ng mga lalahok na beterano.
Kapansin-pansin din sa parade ang mga formation at delegasyon mula sa 17 bansang dayuhan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong inanyayahan ng Tsina ang pagsali ng mga dayuhang tropa sa paradang militar.
Ipinadala ng 11 bansang kinabibilangan ng Belarus, Cuba, Ehipto, Kazakhstan, Republika ng Kyrgyzstan, Mexico, Mongolia, Pakistan, Serbia, Tajikistan, at Rusya ang mga formation na binubuo ng humigit-kumulang 75 sundalo bawat isang formation. Kasali rin sa parada ang mga humigit-kumulang 7-taong delegasyon ng 6 na bansang kinabibilangan ng Afghanistan, Kambodya, Republika ng Fiji Islands, Laos, Vanuatu, at Venezuela.
Suot ang magkakaibang military uniform, lubos na nagdispley ang mga dayuhang formation at delegasyon ng tradisyon ng kanilang tropa at magandang imahe ng mga sundalo.
Kasabay ng pagpapalipad ng 70 libong kalapati ng kapayapaan at 70 libong lobo, natapos ang V-Day Parade bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, at pagpapahalaga sa kapayapaan.
Nagkober ng parada ang mga media na dayuhan na gaya ng Russia Today, Associated Press, Wall Street Journal, CNN, The Economist, at Guardian.
Tagapag-edit/Tagapagsalin: Jade/Vera
Tagapag-pulido: Mac
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |