Sa Tian'anmen Square, Beijing—Sinimulang idaos dito alas-10 ngayong umaga ang V-Day Parade bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Mananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan. Ipinatalastas ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pagsisimula ng aktibidad.
Isinagawa sa pinagaganapan ng aktibidad ang 70 gun salute bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Mananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan.
Nagtitipun-tipon sa Tian'anmen Square ang mga dayuhang lider, mataas na kinatawan ng pamamahalaan, namamahalang tauhan ng mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig, para gunitahin ang okasyong ito.
Salin: Vera