Sa Beijing, Tsina—Idinaos dito ngayong araw ang pandaigdigang simposyum na akademiko hinggil sa paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Mananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, na magkakasamang itinaguyod ng Party History Research Center ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Chinese Academy of Social Sciences, at Academy of Military Science ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina.
Ang tema ng naturang simposyum ay "tandaan ang kasaysayan, maalaala ang mga martir, pahalagahan ang kapayapaan, at likhain ang kinabukasan." Magkakahiwalay na bumigkas ng may temang talumpati sina Qu Qingshan, Direktor ng Party History Research Center, Wang Weiguang, Presidente ng Chinese Academy of Social Sciences, at Gao Jin, Presidente ng Academy of Military Science ng PLA, hinggil sa katayuang historikal at papel ng CPC sa digmaan laban sa mananalakay na Hapones, digmaan laban sa mananalakay na Hapones at dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino, at hukbo ng mga mamamayang Tsino sa digmaan laban sa mananalakay na Hapones.
Salin: Vera