|
||||||||
|
||
Nagtagpo ngayong umaga sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Thein Sein ng Myanmar.
Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Myanmar, ang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng imprastruktura, kakayahan sa pagpoprodyus, agrikultura, water project, makataong tulong at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad.
Umaasa rin aniya siyang patuloy na gaganap ang Myanmar ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Sinabi ni Thein Sein na nagpapasalamat ang kanyang bansa sa agarang makataong tulong ng Tsina sa kalamidad ng baha ng Myanmar. Umaasa rin siyang patuloy na tutulungan ng Tsina ang konstruksyon ng mga water project ng kanyang bansa.
Bukod dito, sinabi niyang nakahanda ang kanyang bansa na aktibong isakatuparan ang mga narating na komong palagay ng dalawang bansa na gaya ng pagpapahigpit ng kooperasyon sa imprastruktura, pagpapabilis ng konstruksyon sa mga pambansang lansangan at paglalayag, at pagpapalawak ng pagpapalitan sa kultura at edukasyon.
Si Thein Sein ay bumisita sa Tsina para dumalo sa aktibidad na idinaos sa Beijjing noong ika-3 ng Setyempre bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng anti-Fascist War ng daigdig at War of Resistance Against Japanese ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |