Sa Mandalay, Myanmar-Binuksan dito kamakalawa ang Chinese Book Fair and Chinese-Burmese Burmese-Chinese Translation at Publication Forum. Ito ay para pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa usaping ito.
Bilang punong abala ng nasabing pagtitipon, ipinahayag ni Liang Zonghua, Puno ng Administration on Press, Publication, Radio, Film and Television ng lalawigang Yunnan, Tsina na ang pagtitipong ito ay naglalayong itayo ang tulay na kultural sa pagitan ng Tsina at Myanmar, para palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigang parang magkapatid ng dalawang bansa. Ipinahayag din ni Wang Yu, Konsul Heneral na Tsino sa Mandalay ang pag-asang malalaman ng mga mamamayang Tsino at Burmese ang kalagayan ng magkabilang panig sa pamamagitan ng pagbasa ng mga libro sa kani-kanilang kasaysayan at kultura. Ito aniya'y nagsisilbi ring pagdiriwang sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinakikita sa nasabing pagtitipon ang mga libro hindi lamang tungkol sa kultura, kasaysayan, siyensiya at teknolohiya ng Tsina at Myanmar, kundi maging sa pagtuturo ng wikang Tsino.