Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talumpati ni Pangulong Xi sa V-Day commemoration, nakatawag ng pansin

(GMT+08:00) 2015-09-05 14:48:29       CRI
Idinaos kamakalawa ng Tsina ang V-Day commemoration bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones at Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, pag-alala sa mga nagbuwsis ng buhay para sa kapayapaan at pagpapahalaga sa kapayapaan. Nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa okasyong ito.

Ipinatalastas ni Pangulong Xi na babawasan ng kanyang bansa ng 300,000 ang bilang ng mga sundalo. Ipinagdiinan niyang ang nasabing desisyon ay nagpapakita ng resolusyon ng Tsina na gawing salamin ang kasaysayan at buong-tatag na pangalagaan ang kapayapaan.

Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na laging mananangan ang Tsina sa mapayapang pag-unlad at di-kailanman magsasagawa ng hegemonya o ekspansyon ng teritoryo.

Upang maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, iminungkahi ni pangulong Xi ang magkakasamang pagtatatag ng pandaigdig na komunidad ng ibinabahaging kinabukasan o global community of shared future.

Ang talumpati ni Xi ay nakatawag ng pansin ng mga media na dayuhan na gaya ng Asahi Shimbun at Los Angeles Times. Nagkomento rin sa talumpati ang mga panauhing dayuhang kalahok sa V-Day activities at mga dalubhasa mula sa iba't ibang instituto. Sinabi ni Ted Carpenter, mananaliksik mula sa Cato Institute na sa kanyang talumpati, maliwanag na ipinahayag ni Pangulong Xi ang kahandaan at kakayahan ng Tsina na maging bansang mangangalaga sa kapayapaang pandaigdig. Aniya pa, sa talumpati ni Xi, ipinagdiinan din niya ang magkakasamang paglikha ng mapayapang kinabukasan ng lahat ng mga miyembro ng daigdig. Idinagdag pa niyang inulit din ni Pangulong Xi na hindi kailanman magsasagawa ang Tsina ng hegemonya.

Tumagal nang 14 na taon ang Digmaan ng Tsina laban sa Pananalakay na Hapones, mula 1931 hanggang 1945. Ito ang pinakamaaga at pinakamatagal na digmaan noong WWII. Sa 14 taong pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon mula noong 1931 hanggang 1945, mahigit 30 milyong mamamayang Tsino ang nagbuwis ng kanilang buhay.

Itinakda noong 2014 ng punong lehislatura ng Tsina na ang ika-3 ng Setyembre bawat taon ay Araw ng Paggunita sa Tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones.

Narito po ang link sa may kinalamang artikulo sa wikang Ingles na pinamagatang Int'l community echoes Xi's speech at V-Day commemoration mula sa Xinhua http://news.xinhuanet.com/english/2015-09/03/c_134588352.htm

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>