BEIJING—Ipinahayag ni Ye Htut, Tagapagsalita ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar na gumanap ang Tsina ng mahalagang papel noong World War II (WWII). Ito aniya ang dahilan sa paglahok ni Pangulong Thein Sein sa V-Day Celebration ng Tsina.
Idinagdag niyang sa loob ng sampung taon mula 1931 hanggang 1941, bago makisangkot ang Amerika, ang Tsina ay siyang tanging bansang Asyano na lumaban sa pananalakay ng Hapon. Sa 14 taong pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon mula noong 1931 hanggang 1945, mahigit 30 milyong mamamayang Tsino ang nagbuwis ng kanilang buhay. Ipinagdiinan din niyang kung sumuko ang Tsina sa halip ng paglaban, baka nagbago ang resulta ng WWII.
Tagapag-edit/Tagapagsalin: Jade
Tagapag-pulido: Mac