Ipinahayag kahapon ni Htay Oo, bagong halal na Pangulo ng Union Solidarity and Development Party (USDP) ng Myanmar, na patuloy na magsisikap ang kanyang partido para mapanatili ang katatagan at kaunlaran ng bansa.
Nang kapanayamin nang araw ring iyon, sinabi ni Htay Oo na ang katatagan at kaunlaran ay nananatiling hangarin ng USDP. Nang mabanggit ang nagaganap na pagbabago ng Myanmar pagkaraang magwagi ang USDP sa pambansang halalan noong 2010, sinabi niya na sa aspekto ng relasyong panlabas, napapanatili ng Myanmar ang pagkakaibigan sa mga kapitbansa nito, at pinabuti ang relasyon sa mga bansang nagpapataw ng sangsyon laban sa Myanmar. Aniya pa, kasabay ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa, natamo rin ng prosesong pangkapayapaan ang kapansin-pansing bunga.
Kaugnay naman ng gaganaping pambansang halalan, sinabi niya na napakalahaga ng paggarantiya ng kalayaan at pagkakapantay ng halalan para sa Myanmar.
Tungkol sa relasyon ng Myanmar at Tsina, nananalig aniya siyang patuloy na patatagin at paunlarin ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan ng Myanmar at Tsina.
Salin: Li Feng