Idinaos kamakailan sa Bangkok, Thailand, ang Ika-7 Pulong ng Magkasanib na Lupon hinggil sa Kooperasyon sa Daambakal ng Tsina at Thailand.
Nagkaroon ang dalawang panig ng komong palagay hinggil sa nilalaman ng framework agreement hinggil sa kooperasyon sa daambakal ng pamahalaan ng Tsina at Thailand, at lalagda sila ng may-kinalamang kasunduan sa susunod na pulong para bigyan ng pundasyon at batayan ang kanilang ibayo pang pagsasagawa ng talastasan hinggil sa pangongolekta ng pondo sa proyektong ito.
Nilagdaan noong 2014 ng Tsina at Thailand ang memorandum of understanding (MoU) tungkol sa pagtatayo ng isang medium-speed railway system na mag-uugnay sa Lalawigang Nong Khai sa hilagang silangang Thailand, Bangkok, at Lalawigang Rayong sa dakong Silangan ng Thailand.
Salin: Andrea