Sinabi kahapon ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand na may katuturang pangkasaysayan ang proyektong pangkooperasyon sa konstruksyon ng daambakal ng kanyang bansa at Tsina, at dapat pasimulan ito alinsunod sa nakatakdang iskedyul sa darating na Oktubre ng taong ito.
Ayon kay Chan-ocha, hiniling na niya kay Prajin Janthong, Ministro ng Komunikasyon, na pabilisin ang paggawa ng plano hinggil sa pangangalap ng pondo para sa konstruksyon ng daambakal, at iharap ang planong ito sa susunod na buwan.
Pagkatapos, kinumpirma naman ni Janthong na gagawin sa susunod na buwan ang disenyo ng daambakal at may kinalamang planong pinansyal.
Ayon sa iskedyul, bago ang katapusan ng susunod na buwan, lalagdaan ng mga pamahalaan ng Tsina at Thailand ang balangkas na kasunduan hinggil sa nabanggit na proyektong pangkooperasyon sa konstruksyon ng daambakal. Sa unang dako ng darating na Setyembre, isusumite ang kasunduang ito sa gabinete ng Thailand para suriin.
Salin: Liu Kai