Ipinahayag kahapon ni Ren Yisheng, Pirmanenteng Kinatawan ng Tsina sa Unite Nations(UN) na dapat malalimang isa-alang-alang ng mga may kinalamang panig ang pinanggagalingan ng kasalukuyang krisis ng refugee sa Europa, igalang ang soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng mga may kinalamang bansa, at huwag lutasin ang isyu sa marahas na paraaan at magkasamang magbigay-dagok sa terorismo.
Sa kanyang paglahok sa ika-30 pulong ng United Nations Human Rights Council at diyalogo ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR), ipinahayag ni Ren na sa kasalukuyan, walang humpay na nagaganap ang sandatahang sagupaan, terorismo, at makataong krisis, sa bisperas ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN, dapat ulitin ng OHCHR ang pangako nito sa "Karta ng UN" at pasulungin ang pagiging ligtas at matatag ng kapaligirang pandaigdig.