Bilang paggunita sa World Refugee Day kahapon (ika-20 ng Hunyo), nanawagan si Antonio Guterres, UN High Commissioner for Refugees, sa mayayamang bansa na isabalikat ang mas maraming responsibilidad para matulungan ang mga refugee.
Ayon sa pinakahuling estadistika, humigit-kumulang 60 milyong tao sa buong daigdig ang sapilitang pinaalis sa kanilang lupang-tinubuan.
Ipinagdiinan ni Guterres na kailangang balik-aralin ng komunidad ng daigdig ang Kombensyon hinggil sa Status ng mga Refugee na pinagtibay noong 1951, at kailangang sundin ng mga signatoryong bansa ang kanilang pangako na magbigay-tulong sa mga refugee para mapaunlad ang buong mundo.
Salin: Jade