|
||||||||
|
||
Idaraos ang Ika-12 China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina mula ika-18 hanggang ika-21 ng Setyembre.
Logo ng CAEXPO
Ang Zamboanga ng Pilipinas, kasama ang Hong Kong ng Tsina, Bandar Seri Begawan ng Brunei, Phnom Penh ng Kambodya, Riau ng Indonesia, Oudomxai ng Laos, Malacca ng Malaysia, Dawei ng Myanmar, Singapore, Chonburi ng Thailand at Dongthap ng Biyetnam ay magiging Cities of Charm sa gaganaping CAEXPO.
Batay sa temang Magkakasamang Pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road at Pagtatakda ng Maluwalhating Blueprint para sa Pagtutulungang Pandagat, itatampok sa idaraos na ekspo ang upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), pagtatatag ng China-ASEAN Information Harbor, pagpapaginhawa sa pangongolekta ng pondo ng mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal (SMEs), at iba pa.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |