Habang idaraos ang China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa taong ito, sa kauna-unahang pagkakataon, gaganapin din ang Porum ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa Mga isyung May-kinalaman sa May Kapansanan, mula ika-16 hanggang ika-18 ng darating na Setyembre, sa Nanning, punong-lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ayon sa panig opisyal ng Guangxi, natanggap nito ang kumpirmasyon ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ng Pilipinas para magpadala ng kinatawang lalahok sa nasabing porum.
Kabilang sa mga tatalakaying paksa ay pagpapalitan at pagtutulungan sa hinaharap ng Tsina at ASEAN sa mga isyung may kinalaman sa mga may kapansanan, rehabilitasyon at serbisyo para sa mga may kapansanan, pagsasanay na bokasyonal at pagsasanay sa pagsisimula ng sariling negosyo para sa mga may kapansanan.
Tagapagsalin/Editor: Jade
Tagapagpulido: Mac