Sa London, Britanya—Nakipagtagpo dito kahapon si Philip Hammond, Ministrong Panlabas ng Britanya, kay John Kerry, dumadalaw na Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Nagpalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro hinggil sa, pangunahing na, pagsali ng Rusya sa pagbibigay-dagok sa ekstrimistikong organisasyon na "Islamic State (IS)," pero malinaw ang pagkakaiba dito.
Ipinahayag ni Hammond na dahil sa pagsali ng Rusya, naging mas masalimuot ang kalagayan ng Syria. Ipinalalagay niyang dapat magsanggunian ang Britanya at Amerika hinggil sa mga isyung gaya ng makataong krisis sa Syria, isyu ng refugee, pagbibigay-dagok sa IS, at iba pa. Nauna rito, malinaw na ipinahayag ng pamahalaang Britaniko na kung kakailanganin ang pagsasagawa ng air raid sa Syria, ipapasiya ito ng parliamento sa pamamagitan ng pagboto.
Sinabi naman ni Kerry na nag-usap sa telepono ang mga ministro ng depensa ng Amerika at Rusya hinggil sa pagbibigay-dagok sa IS. Winewelkam aniya ng kanyang bansa ang pagsali ng Rusya sa pagbibigay-dagok sa IS. Dagdag pa niya, handang handa na ang Amerika para sa talastasan sa isyu ng Syria, at sa susunod na hakbang, hihintayin nitong kung may kahandaan o hindi sa talastasan si Pangulong Bashar al-Assad ng Syria at ang Rusya.
Salin: Vera