Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Stephane Dujarric ng United Nations (UN), na "lubos na ikinasisiya" ng UN ang gagawing pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, tatalakayin nina Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN at Xi ang hinggil sa isang serye ng mahalagang isyung gaya ng sustenableng pag-unlad, pagpapawi ng karalitaan, at pagbabago ng klima.
Sa paanyaya ni Ban Ki-moon, mula ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito, pupunta ang Pangulong Tsino sa New York para dumalo sa serye ng summit ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN.
Salin: Li Feng