Sa New York — Nang kapanayamin ng mamamahayag na Tsino, ipinahayag kamakailan ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na lubos niyang inaasahan ang gagawing pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa UN. Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa gagawing pagdalo ni Xi sa Summit ng Pag-unlad ng UN at pagbibigkas ng talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-70 Pangkalahatang Asemblea ng UN.
Sinabi ni Ban na bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council (UNSC), gumaganap ang Tsina ng mahalagang papel sa aspekto ng pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasang pandaigdig. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang Tsina at mga iba pang kasaping bansa ng UN, para patuloy na mapatingkad ang nasabing mahalagang papel.
Salin: Li Feng