|
||||||||
|
||
SEATTLE, Estados Unidos--Muling tiniyak ni dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider na pangnegosyo na Amerikano ang positibong prospek ng kabuhayan at patuloy na pagbubukas sa labas ng Tsina.
Kabuhayan sa katamtamang bilis at matas na kalidad
Sa Roundtable ng mga Chief Executive Officer (CEO) ng Tsina at Amerika, sinabi ni Xi na pananatilihin ng kabuhayan ng Tsina ang pangmatagalang matatag na paglago na nagtatampok sa katamtamang bilis at kalidad. Noong unang hati ng taong ito, umabot sa 7% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina.
Si Pangulong Xi (gitnang likuran) sa China-U.S. CEO roundtable discussion sa Seattle, Amerika noong Sept. 23, 2015. (Xinhua/Huang Jingwen)
Mga konkretong hakbang
Sinabi ni Xi na para rito, ang mga isinasagawang konkretong hakbangin ng Tsina ay kinabibilangan ng pag-a-upgrade ng estrukturang industriyal, pagpapasulong ng kaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon, pagpapabilis ng modernisasyong pang-agrikultura, pagtahak sa landas ng pag-unlad na mababa ang emisyon ng carbon dioxide, at pagpapasimple ng mga prosedyur na administratibo.
Pagpapalalim ng kalakalang Sino-Amerikano
Hiniling din ni Pangulong Xi sa mahagit 30 CEO mula sa mga kilalang kompanya ng Amerika at Tsina, na gaya ng Microsoft, IBM, Alibaba at Lenovo, na pasulungin ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xi na patuloy na hihikayatin ng pamahalaang Tsino ang mga bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Amerika. Samantala, sinusuportahan din ng Tsina ang mga kompanyang Amerikano na magsimula ng negosyo, at magbukas ng regional headquarters o research and development (R&D) centers sa Tsina.
Ipinangako niyang upang makalikha ng magandang kapaligirang pangnegosyo para sa mga dayuhan, patuloy na magsasagawa ang Tsina ng pagbubukas sa labas.
Kasalukuyang nagsasagawa si Xi ng kanyang dalaw na pang-estado sa Amerika. Pagkaraan ng kanyang biyahe, dadalo rin siya sa gaganaping United Nations (UN) Summit mula ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |