Ipinahayag kahapon ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina ang nakatakdang pagdaraos sa Beijing ng di-pormal na pagtatagpo ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at ASEAN(10+1), mula ika-15 hanggang ika-16 ng Oktubre.
Sinabi ni Wu na ang tema ng nasabing pagtitipon ay "Pagpapasulong ng Komunidad ng Kapalaran ng Tsina at ASEAN: Pagpapahigpit ng Kooperasyong Pandepensa." Aniya, makikipagpalitan ng kuru-kuro si Ministrong Pandepensa Chang Wanquan ng Tsina sa kanyang mga ASEAN counterpart hinggil sa pagpapalakas ng estratehikong pagtitiwalaan at pragmatikong pagtutulungan sa larangang pandepensa at panseguridad. Dagdag pa niya, bibisita ang mga kalahok na kinatawan sa mga military unit ng Tsina.