Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kung sinuman ang may kagagawan ng pagsabog na naganap kamakailan sa Bangkok ay dapat parusahan alinsunod sa batas.
Sinabi ni Hong na kasalukuyang pinapahigpit ng Tsina ang pakikipag-ugnayan sa Thailand sa usaping ito. Aniya, suportado ng Tsina ang mga katugong imbestigasyong isinasagawa ng Kapulisang Thai. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para magbigay-dagok sa katulad na aksyong kriminal.
Sa pagsabog na naganap noong ika-17 ng Agusto sa Erawan Shrine, kilalang poruk-panturista sa Bangkok, di-kukulangin sa dalawampung katao ang namatay, na kinabibilangan ng mga turista mula sa Tsina, Singapore at Malaysia, at mahigit 120 iba pa ang nasugatan.