|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Beijing ang seremonya ng paggagawad ng Friendship Award ng Tsina sa mga foreign expert na nagtatrabaho sa bansang ito.
Dumalo sa seremonya si Ma Kai, Pangalawang Premyer Tsino. Sa taong ito, 50 foreign expert na galing sa 21 bansa ang ginawaran ng naturang gantimpala.
Nagtalumpati si Ma Kai, Pangalawang Premyer ng Tsina, sa seremonya ng paggagawad ng Friendship Award
Bumati si Ma, sa ngalan ng Pamahalaang Sentral ng Tsina, sa naturang mga magwawagi, at nagpahayag ng taos-pusong pangungumusta sa lahat ng mga foreign expert dito sa Tsina at kanilang mga kamag-anak.
Sinabi niyang ang mga foreign expert ay naging mahalagang bahagi ng puwersa sa konstruksyong pang-modernisasyon ng Tsina. Pinasalamatan aniya ng pamahalaang Tsino at mga mamamayan nito ang kanilang mahalagang ambag sa pag-unlad ng Tsina.
Sinabi pa niyang kasunod ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, ito rin ay nagkakaloob ng mga pagkakataon para sa karera ng mga foreign expert, at winewelkam ng Tsina ang pagtatrabaho ng mga foreign expert sa bansang ito.
Ang Friendship Award ay itinatag ng pamahalaang Tsino noong 1991 bilang pinakamataas na pambansang gantimpala para parangalan ang mga foreign expert na nagbigay ng napakahalaga at namumukod na ambag sa konstruksyong pang-modernisasyon ng Tsina.
Noong 1998, tinanggap ni Ramon F. Escanillas Jr., Pilipino na dalubhasa na nagtrabaho sa Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI), ang Friendship Award.
Noong 1998, si Ramon F. Escanillas Jr. (kaliwa sa litrato) ay kinatagpo ni Li Peng, Premyer Tsino noong panahong iyon, para bigyan siya ng Friendship Award.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |