|
||||||||
|
||
Una, night view ng Hong Kong. Ang night view sa Hong Kong ay napakaganda at napakasikat sa Tsina at buong daigdig. Ang night view ng Hong Kong ay mayroong anyo ng mga malalaki at modernisadong lunsod, at mga magagandang likas na tanawin na gaya ng kabundukan, dagat at buhangin. Ang natatanging kabighanian ng Hong Kong ay pagsasanib ng kultura ng Tsina at mga kanluraning bansa.
Ikalawa, night view ng Beijing. Maganda ang mga palasyo at matatandang arkitektura ng Beijing sa ilalim ng pagtanglakw ng mga ilaw sa gabi. Maaaring maramdaman ng mga turista ang atmospera ng Beijing bilang kabisera ng mga dynasty ng Tsina noong panahong iyon. Bukod dito, nakakapagtamasa rin ang mga tao ng relaxed at masayang night life sa mga distrito ng bars at pinansiya.
Ikatlo, night view ng Changsha. Maningning ang night view ng Changsha na parang isang perlas sa gitna ng Yangtze River.
Ikaapat, night view ng Tianjin. Noong panahon ng Qing Dynasty ng Tsina, ang ilang lugar ng Tianjin ay nasa ilalim ng paghaharing koloniyal ng mga kanluraning bansa. Ang mga arkitektura na itinayo nila ay nanatili hanggang sa kasalukuyan. Ang mga ito ay naging magandang tanawin ng Tianjin, lalong lalo na sa gabi, napakaromantiko ng atmospera roon.
Ikalima, night view ng Qingdao. Sikat ang Qingdao bilang isa sa mga pinakamagandang destinasyon sa tag-init sa Tsina. Bukod dito, makikita rin sa Qingdao ang mga arkitektura na may mahabang kasaysayan at istilo ng iba't ibang bansa.
Ika-anim, night view ng Chongqing. Ang Chongqing ay sikat sa buong Tsina na tinatawag na "lunsod ng kabundukan." Ang night view ng Chongqing ay parang isang larawan na may tradisyonal na istilo ng Tsina.
Ikapito, night view ng Nanjing. Ang Nanjing ay minsang naging kabisera ng mga dynasty sa kasaysayan ng Tsina.
Ikawalo, night view ng Shanghai. Ang kultura ng Shanghai ay pagtitipon ng mga kultura ng iba't ibang lugar sa paligid nito. Samantala, ang Shanghai ay kabiserang pinansiyal ng Tsina na naghikayat ng pagpasok ng mga dayuhan na galing sa iba't ibang bansa. Ang naturang mga elemento ay nakalikha ng espesyal na katangian ng night view ng Shanghai.
Ikasiyam, night view ng Shenzhen. Ang Shenzhen ay isang bagong-sibol na lunsod ng Tsina sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1980s. Kaya ang katangian ng night view ng Shenzhen ay puno ng kasiglahan na parang isang kabataan na may magandang anyo at malakas na puwersa.
Ikasampu, night view ng Guangzhou. Ang katangian ng night view ng Guangzhou ay iba't ibang uri ng mga ilaw sa gabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |