Sa Hangzhou, Tsina, kinunan kamakailan ng isang fireman at kaniyang fiancee ang kanilang wedding photo na may temang "firemen" sa fire brigade.
Nagpakuha sila ng wedding photo sa trak ng bombero, at binigyan ng magandang bendisyon ng mga kasamahang fire brigade ang kaniyang kasal.
Si Wang Kaihong ay 20 taong gulang lamang, siya ay naging isang fireman mula 18 taong gulang. Bago umalis sa kaniyang fire brigade, ipinasiya niyang magpakuha ng wedding photo sa istasyon ng bombero bilang paggunita sa kaniyang dalawang-taong karanasang bilang fireman.
Sinabi ni Wang, pagkaraang lumisan ng fire brigade, mag-aaral siya para naging hairdresser. Ang kaniyang fiancee ay isang 27-taon-gulang na accountant na nagtatrabaho sa Hangzhou. Pangarap nilang magkaroon ng isang salon balang araw.
salin:wle