Sa Beijing — Isang resepsyon ang idinaos kagabi ng Konseho ng Estado ng Tsina bilang maringal na pagdiriwang sa ika-66 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Dumalo sa nasabing resepsyon ang mga lider ng CPC at bansa na gaya nina Xi Jinping at Li Keqiang, at ang mahigit 1,000 personaheng Tsino at dayuhan para magkakasamang salubungin ang pagdating ng National Day ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang pag-unlad ay pundamental na paraan para mapa-ahon ang Nasyong Tsino, at ang reporma at pagbubukas sa labas ay pinag-uugatan ng puwersa sa pag-unlad. Aniya, patuloy na magsisikap ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pamahalaang Tsino, at pasusulungin ang pag-unlad at reporma para walang humpay na mapalakas ang kaligayahan ng mga mamamayan. Lubos ding pinapurihan ng Premyer Tsino ang natamong tagumpay sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa nitong 66 na taong nakalipas, partikular na sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas.
Salin: Li Feng