Krakow, siyudad na pangkasaysayan sa dakong timog ng Poland-- Itinayo kahapon sa Jagiellonian University ang istatuwa ni Confucius, dakilang guro at thinker ng sinaunang Tsina. Ang istatuwa ay inihandog ng lalawigang Shandong, lupang-tinubuan ni Confucius sa dakong silangan ng Tsina.
Ang Jagiellonian University na may kasaysayan ng 652 taon ay ang pinakamatandang pamantasan ng Poland.
Nasa magkasamang pagtataguyod ng Beijing Foreign Studies University at Jagiellonian University, pinasinayaan ang Krakow Confucius Institute noong Disyembre, 2006.
Salin: Jade