|
||||||||
|
||
Pagkaraang dumaluhong kahapon ang bagyong Mujigae sa lalawigang Gangdong sa timog Tsina, ikinamatay na ito ng 6 na katao, at ikinasugat ng 223 iba pa sa lokalidad.
Grabeng naapektuhan ng bagyong Mujigae ang power grid at mga pabrika sa Guangdong. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang pagkukumpuni at iba pang relief works.
Apektado din ng bagyo ang Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa kanlurang hanggahan ng Guangdong, at lalawigang Hainan sa gawing timog.
Sa Guangxi, mabilis na tumaas ang lebel ng tubig sa mga lokal na ilog, dahil sa malakas na ulan. Suspendido rin kahapon ang mga flight sa paliparan ng Nanning, punong lunsod ng Guangxi.
Sa Hainan naman, suspendido ang mga daambakal, at sarado rin ang ilang lugar na panturista.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |