Noong ika-5 ng buwang ito, ipinahayag ng mga Ministro ng Kalakalan ng miyembro ng Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP) na matagumpay na natapos ang talastasan ng TPP. Sa regular na preskon ngayong araw, hinggil dito, tinukoy ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bukas ang pakikitungo ng Tsina sa kalakalang panrehiyon na maaaring magpasulong ng integrasyon ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko. Ang may kinalamang kasunduan sa kalakalan ay maaaring makabuti sa pagpapalakas ng sistema ng multilateral na kalakalan at ang kasunduan ng malayang kalakalan ay dapat makabuti sa pagpapasulong ng pag-unlad ng isa't isa at sa pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng kabuhayan ng buong daigdig.
Salin:Sarah