Sa Hanoi, Biyetnam—Ipinahayag dito kahapon ni Dang Minh Khoi, nakatakdang maging bagong Embahador ng Biyetnam sa Tsina, na aktibong pag-aaralan ng kanyang bansa ang pagsali sa konstruksyon ng "Belt and Road Initiative."
Ani Dang, iniharap ng Tsina ang maraming mungkahi hinggil sa konektibidad at pagsasama-sama ng rehiyong ito, at kinakatigan ng maraming bansa sa loob at labas ng rehiyon ang naturang mga mungkahi. Ito aniya ay nagpapakitang ang pag-unlad ng Tsina ay makakapaghatid ng pagkakataong pangkaunlaran para sa mga kapitbansa nito at mga bansa sa loob at labas ng rehiyon.
Ipinahayag din niya ang pag-asang sa hinaharap, patuloy na daragdagan ng Tsina ang pamumuhunan sa Biyetnam, lalong lalo na, pamumuhunan sa mga high-tech sa Biyetnam, para mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Vera