Idinaos kahapon sa Xi'an, Tsina, ang dialogue meeting ng mga lokal na lider ng mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, o "Belt and Road Initiative." Lumahok sa pulong ang mahigit 450 tauhang kinabibilangan ng mga lider ng mga pamahalaang lokal ng mahigit 10 bansang gaya ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Czech, Turkey, at iba pa.
Pinagtibay sa pulong ang pahayag na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng kooperasyon ng mga pamahalaang lokal para sa usapin ng Belt and Road Initiative. Nanawagan din ito sa mga pamahalaang lokal ng mga bansa na palakasin ang pag-uugnayan at pagpapalitan, para maisakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai