Ayon sa impormasyon ngayong araw mula sa Departamento ng Pandaigdigang Kooperasyong Pinansyal ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, sa ngalan ng pamahalaan ng Poland, lumagda sa Beijing noong ika-9 ng buwang ito si Mirosław Gajewski, Embahador ng Tsina sa Poland, sa kasunduan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ang Poland ang ika-53 signataryong panig ng AIIB.
Noong ika-29 ng nagdaang Hunyo, dumalo ang 57 kasaping bansang tagapagtatag ng AIIB sa seremonya ng paglagda ng naturang kasunduan, pero hindi lumagda ang ilang kinatawan ng naturang 57 bansa.
Ayon sa tadhana, dapat lagdaan ng lahat ng kasapi ang kasunduan bago katapusan ng taong 2015.
Salin: Vera