Ipinalabas kahapon ng Ministri ng Pinansya ng Tsina ang impormasyong nagsasabing pormal na lumagda ang Thailand sa "Kasunduan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB)." Hanggang sa kasalukuyan, 52 bansa ang lumagda na sa kasunduang ito.
Hanggang noong katapusan ng nagdaang Hunyo, sa 57 kasaping bansang tagapagtatag ng AIIB, 50 ang lumagda na sa Beijing sa nasabing kasunduan. Maaaring lumagda sa kasunduan ang ibang mga bansang hindi pa nakalagda bago ang katapusan ng kasalukuyang taon.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa lumalagda ang 5 bansang kinabibilangan ng Denmark, Kuwait, Pilipinas, Poland, at Timog Aprika.
Ayon sa tadhana, bago ang katapusan ng kasalukuyang taon, pagkaraang aprobahan ng mga bansang may lehitimong bilang, magkakabisa ang kasunduan ng AIIB, at opisyal na itatatag ang AIIB.
Salin: Li Feng