MAY 12 mga Filipino ang nagtungo sa Commission on Elections upang magpatala sa kanilang kandidatura sa pangkapangulo ng Pilipinas. Ang mga ito ay sina Vice President Jejomar C. Binay, dating Iloilo Congressman at dating TESDA Director General Auguto "Buboy" Syjuco, Atty. Ely Pamatong, Ephraim Defino ng Mindanao Federal Party, negosyanteng si David Alimorong, Engr. Ralph Masloff, Atty. Camilo Sabio, isang Freddiesher Llamas, Reserve enforcer Danilo Lihay-Lihay, Sel Hope Kang, Retired AFP Officer Adolfo Inductivo at isang Ferdinand Jose Pijao.
Sa pangkapangalawang pangulo, nagpatala na sina Senador Gregorio "Gringo" Honasan at isang Myrna Mamon.
Nakapagpatala na sina dating Senador Panfilo Lacson, Bayan Muna Party List Neri Colmenares, Rafael Labindao, isang law student na si Ricky Bacolod, isang Angel Ridoble, isang Victoriano Inte, Daniel Magtira, Engr. Jose Kwe, Armado Cortez, John Ofonnel Petalcorin, Eduardo dela Pena, Ramon Osano at Elmar Santarin.