|
||||||||
|
||
SA likod ng mga batikos ng katiwalian at paggamit ng posisyon para sa kanyang sariling pamilya, nagtungo na si Vice President Jejomar C. Binay at ang kanyang ka-tandem na si Senador Gregorio "Gringo" Honasan sa Commission on Elections upang dalhin ang kanilang Certificates of Candidacy kaninang umaga.
Sa panayam, sinabi ni Senador Honasan na handa siyang magiging patas ang proseso ng batas at sasagutin niya ang lahat ng isyu.
Sa panig ni Vice President Binay, sinabi niyang ang mga reklamo laban sa kanya ay nag-uugat sa politika. Inamin din niya na hindi si Senador Honasan ang kanyang unang napisil na makasama sa kandidatura subalit ang United Nationalist Alliance ang nagdesisyon.
Inamin din ni Senador Honasan na hindi siya ang kurusnada ni Vice President Binay subalit umaasang magiging daan upang magkaisa ang kanilang partido. Ipaglalaban umano nila ang mga manggagawa, mga kawal, mga manggagawa sa iba't ibang bansa, mga pulis, magsasaka at iba pa.
Limang kasong pandarambong o plunder ang kinakasaharap ni G. Binay sa Ombdusman.
Sa panig ng Liberal Party, kumbinasyon ng mga beterano at baguhang politico ang bumubuo ng kanilang mga kandidato sa pagka-senador. Ipinakilala ni Secretary Mar Roxas sina Senate President Franklin M. Drilon, ang vice chairman ng partido bilang isa sa mga kandidato.
Kasama sa line-up sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senador Teofisto Guingona III, dating Senador Francis Pangilinan, dating Yolanda Rehab chair Panfilo Lacson, dating Justice Secretary Leila de Lima, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating TESDA Director General Joel Villanueva, dating TISZA CEOI Mark Lapid, dating Akbayan Representative Risa Hontiveros, dating Coop NATCCO Party List Congressman Cresente Paez at dating DILG Assistant Secretary for Muslim Affairs at dating Maguindanao officer-in-charge Nariman Ambolodto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |