Sa isang pahayag na ipinalabas kagabi ng Lupong Elektoral ng Myanmar, sinabi nito na idaraos sa nakatakdang panahon ang pambansang halalan sa ika-8 ng susunod na buwan.
Ayon sa naunang ipinalabas na impormasyon hinggil sa nasabing halalan, 92 partido ng Myanmar ang nagparehistro para lumahok sa halalan. Kapwa pinili ng Union Solidarity and Development Party (USDP) at National League for Democracy (NLD) ang mahigit 1 libong kandidato para lumahok sa halalang pamparliamento sa iba't-ibang lebel.
Salin: Li Feng