Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Tep Ngorn, Pangalawang Tagapangulo ng Mataas na Kapulungan ng Kambodya, ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC), na nitong 50 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya, ipinagpapatuloy sa kasalukuyan at ipagpapatuloy sa hinaharap ang mapagkaibigang relasyong bilateral na naitatag ng mga tagapagpaunang lider ng dalawang bansa. Aniya, sa taong 2015, narating ng mga kataas-taasang lider ng dalawang bansa ang hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng estratehiyang pangkooperasyon sa ibat-ibang larangan. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para palalimin ang naturang estratehiya.
Ipinahayag naman ni Tep Ngorn, na pinahahalagahan ng Kambodya ang pakikipagtulungan sa Tsina. Aniya, positibo ito sa pinalakas na konektibidad ng dalawang panig, batay sa estratehiyang "Silk Road Econimoc Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo" na itinataguyod ng Tsina, para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad.