Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Ryamizard Ryacudu, Ministrong Pandepensa ng Indonesya, ipinahayag ni Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina na positibo ang Tsina sa mahalagang papel ng Indonesya sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para pangalagaan ang mapagkaibigang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Ipinahayag din ni Fan ang pag-asang pahihigpitin ng hukbong Tsino at Indonesian ang bilateral na pagpapalitang kinabibilangan ng pagtutulungang panseguridad sa karagatan, pagsasanay ng mga sundalo, at magkasanib na ensayong militar.
Ipinahayag naman ni Ryamizard Ryacudu na nakahanda ang Indonesya na magsikap, kasama ng Tsina para palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangang pandepensa, upang pasulungin ang kapayapaang panrehiyon.